Pangulong Benigno Aquino III, kinilala ang kontribusyon ng kababaihan sa pagpapatupad ng reporma sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 4306

joyce_pnoy
Ibinida ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang talumpati sa pulong ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC sa usapin ng women and economy na tumutukoy sa mga naging kontribusyon ng mga kababaihan sa bansa.

Sinabi nito na sa ilalim ng kanyang administrasyon, may mga babae na nakatulong ng malaki upang maipatupad ang mga reporma ng pamahalaan sa harap ng matinding pressure at pang-iimpluwensiya sa kanila.

Kabilang sa mga kinilala ni Pangulo si Ombudsman Conchita Carpio Morales, Department of Justice Sec. Leila De Lima, Department of Social and Welfare Development Sec. Dinky Soliman, Department of Health Sec. Janet Garin, Philippine Economic Zone Authority Sec. Lilia De Lima, Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares at dating Comission of Audit Chair Grace Pulido-Tan.

Maging sa pribadong sektor, malaki rin aniya ang kontribusyon ng kababaihan.

Ayon sa Department of Trade and Industry, 54% ng registered trade names ay pagmamay-ari ng kababaihan.

Base rin sa survey ng Asian Institute of Management, 63% ng managers at may-ari ng mga negosyo ay mga babae rin.

At para palawigin pa ang mga oportunidad para sa mga babae, ipinagmalaki rin ng pangulo ang programa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na nagbibigay ng entreprenuerial training.

Sinabi ng Pangulo na mila ng simulan ang programang ito noong December 2011, mahigit 200,000 na kababaihan na ang nabigyan ng training.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)

Tags: