Pangulong Benigno Aquino III, humingi ng paumanhin sa Canada

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 27890

PNOYNOFAULT2 031315
Humingi ng paumanhin si Pangulong Benigno Aquino III sa prime minister ng Canada dahil sa pagpugot ng ulo ng mga rebeldeng grupong Abu Sayyaf sa isang Canadian national na si Robert Hall nitong nakaraang Lunes matapos hindi maibigay ang hinihinging ransom money ng bandidong grupo.

Sa press conference na isinagawa ni PNoy sa Jolo, Sulu ngayong araw, sinabi nitong nakipagusap siya kay Prime Minister Justin Trudeau dahil sa dalawa na sa kanilang kababayan ang namatay.

Nagpapasalamat rin ang pangulo dahil sa pagsunod ng Canada sa no ransom policy sa dahilan na mababawasan nito ang interes ng sinoman na sumama sa hanay mga bandidong grupo.

Ikinunsidera rin ni Aquino ang pagpapatupad ng martial law sa Sulu subalit hindi ito itinuloy dahil sa walang katiyakan na magkakaroon ng positibong resulta ang nasabing hakbang.

Hiniling naman ng pangulo na lawakan pa ang pang unawa at sama-samang magtulungan ang mamamayan upang malutas ang suliranin ng bansa.

Nais rin ni Pangulong Aquino na kung maaari ay maisaayos na ang mga kasalukuyang problema upang hindi na ito maipasa pa sa susunod na administrasyon.

(Joms Malulan / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,