Pangulong Aquino, walang pananagutan sa Mamasapano clash – Roxas

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 1974

PNOYNOFAULT

Walang pananagutan si Pangulong Benigno Aquino III sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano incident noong ika-15 ng Enero.

Ito ang lumabas sa ulat ng Board of Inquiry ayon kay DILG Sec. Mar Roxas.

Ipinahayag ni Roxas na si Purisima ang direktang may papanagutan sa pumalpak na operasyon sa Mamasapano dahil siya mismo ang nagbibigay ng utos kay dating PNP Special Action Force Director Getulio Napeñas.

Batay sa BOI report, malinaw na iniutos ni Pangulong Aquino kay Purisima na makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines subalit hindi ito nasunod.

Dahil dito, hindi dumating ang inaasahang reinforcement mula sa AFP dahilan upang mamatay sa engkwentro ang 44 na miyembro ng SAF.

Nakasaad din sa BOI report na iniutos din ng Pangulo kay Purisima na makipag-ugnayan ito kay PNP OIC Leonardo Espina pero hindi rin niya ito ginawa. (Germaine Tuazon/UNTV Radio)

Tags: , , , , , ,