Pangulong Aquino, tiniyak na walang karahasan sakaling hindi maipasa ang proposed BBL sa kasalukuyang Administrasyon

by Radyo La Verdad | September 8, 2015 (Tuesday) | 1577

file picture
file picture

Pinawi ni Pangulong Benigno Aquino III ang pangamba ng publiko sa posibilidad na magkaroon ng kaguluhan sakaling hindi maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law sa kanyang Administrasyon.

Ayon sa Pangulo, walang plano ang MILF na bumalik sa pakikipaglaban sakaling hindi maisabatas ang panukalang BBL sa kanyang termino.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng malacañang sa mga pinuno ng kongreso hinggil sa napapanahong pagpasa ng BBL.

Hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa debate ng plenaryo ang panukalang batas.

Wala namang sinising mambabatas si Pangulong Aquino sa pagkakaantala ng pagpapasa ng BBL, subalit bahala na aniya ang taumbayan na humusga sa darating na halalan.

gayunpaman, nanawagan ang Pangulo sa lahat na isaalang-alang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan, hindi lamang sa Mindanao, kundi maging sa buong bansa. ( Bianca Dava/ UNTV News)

Tags: ,