Muling kinausap ng personal ni Pangulong Aquino ang mga pamilya ng nasawing 44 na Special Action Force Commandos pagkatapos ng pagbibigay parangal at pagkilala sa kabayanihan ng mga ito sa Camp Crame.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Colomo Jr., tinalakay sa pagpupulong ang iba’t ibang tulong ng pamahalaan para sa mga pamilya ng SAF 44.
Kabilang sa mga ito ang pabahay, pagtustos sa pagaaral ng mga naulilang anak at kamag anak, hanapbuhay at tulong para sa pangkabuhayan.
Inatasan ng Pangulo ang kaniyang mga opisyal na gawin ang lahat ng nararapat para sa pangangailangan ng mga pamilya nito.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na pinulong ni pangulong Aquino ang mga ito mula noong January 30, 2015 sa Camp Bagong diwa, ilang araw matapos ang trahedya. Nasundan ito noong February 2015.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: pamilya, Pangulong Aquino, SAF trooper