Nakipagpulong kahapon si Pangulong Aquino sa mga retiradong general kahapon upang linawin ang mga isyu kaugnay sa posisyon ng mga ito ukol sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito ay matapos magpalathala ng open letter sa pahayagan ang ilang mga retiradong general na hindi sangayon na ang BBL ang sagot para matigil ang conflict sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., humarap ang mga heneral sa pangnunguna nina Former Defense Secretary Renato de Villa at Association of General and Flag Officers President Edilberto Adan.
Sa nangyaring pagpupulong, ipinaliwanag ni Pangulong Aquino ang posisyon ng pamahalaan sa BBL.
Nilinaw din ni Presidential Adviser on the peace process Teresita Deles ang implementasyon ng decommissioning at normalization process.
Habang tinalakay naman ni Budget Secretary Abad ang budget allocation sa Bangsamoro Govt. ay naayon sa historical need gaya ng nasa budget ng ARMM.
Hinikayat din ni Pangulong Aquino ang mga general na magtanong kaugnay sa BBL.
Kasama din sa pagpupulong sina DND Sec. Voltaire Gazmin DND, DOJ Sec. Leila De Lima, Natl Security Adviser Cesar Garcia, Chief residential legal Counsel Benjamin Cagouia at AFP Chief of Staff Hernando Iriberri.
Ani Coloma, matapos ang naturang pagpupulong ay nagkaroon ng pagkakaunawaan ukol sa posisyon ng pamahalaan para sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)