Pangulong Aquino, pinayuhan ang mga Pilipino sa Italia na maging matalino sa pagpili ng tatakbong pangulo sa susunod na halalan

by Radyo La Verdad | December 4, 2015 (Friday) | 1555

PNOY
Sinamantala ng Pangulo ang kaniyang 2 day working visit sa Rome Italy upang payuhan ang mga Pilipino na maging matalino sa pagpili ng kapalit niyang pangulo sa 2016 national Elections.

Sinabi ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa Ergife Palace Hotel sa Roma, dapat ang ibotong pangulo ay ang makakapaglingkod ng hindi inaalaala ang sarili at ang mangangalaga sa interes ng mga Pilipino.

Inihalintulad ng pangulo ang pinuno ng bansa at ang mga sambayanang Pilipino na gaya ng sa kaniyang mga magulang.

Ayon sa Pangulo, isa sa mga hinahanap niya ay ang isang pagkakataon na mayroong mamumunong uunahin ang kapakanan ng taumbayan at handa namang tulungan ng mamamayan upang maabot ang isang adhikain.

Ito ay gaya aniya ng narating ng bansa sa pamamagitan ng kaniyang ama at ina na ito ay dahil aniya sa pagtutulungan, tiwala at pagkakaisa ng pinuno at mga publikong kaniyang pinaglilingkuran.

Si pangulong Aquino ay nakisalamuha sa Filipino Community sa Roma matapos ang pakikipagpulong nito kay Italian President Sergio Mattarella at Prime Minister Matteo Renzi.

Tags: , , ,