Ipinatitiyak ng Pangulong Benigno Aquino III sa mga opisyal ng barangay ang pagpapatuloy ng maayos na pagpapatupad ng Bottom up Budgeting.
Sa talumpati ni Pangulong Aquino sa National Assembly ng Liga ng mga Barangay, binigyang diin nito na pera aniya ng taumbayan ang gagamitin dito kaya dapat aniya maiukol ito sa tamang paggagamitan.
Ang bottom-up approach sa pagba-budget ay pagpaplano ng isang komunidad kasama ang mga mamamayan nito para sa ilalaang pondo sa barangay.
Samantala, ibinida din ng pangulo ang mga programa ng kaniyang administrasyon na nagbibigay aniya ng pagkakataon sa mga komunidad para sa positibong transpormasyon.
Ayon sa Pangulo, P74.06 bilyon na ang nailaan para sa mahigit na limampung libong (54,000) aprubadong Bottom up Budgeting projects ng pamahalaan.
Sinamantala naman ng Pangulo na iendorso ang tambalang Mar Roxas at Leni Robredo sa mahigit na isang libong opisyal ng barangay na dumalo sa pagtitipon.
Umapela ito na maipagpatuloy ang programa ng kaniyang administrasyon sa pamumuno ng kaniyang kandidato.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: Bottom up budgeting, implementasyon, mga opisyal ng barangay, Pangulong Aquino
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com