Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang muling pagbubukas ng Museo ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
Unang dinaluhan ni Pangulong Aquino ang flag-raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng dating pangulong si Emilio Aguindaldo na matatagpuan sa compound ng Aguinaldo Shrine.
Pagkatapos nito, inikot ni Aquino ang museo na tampok ang iba’t ibang interactive features at e-learning facilities.
Kasama ring lumahok sa aktibidad sina Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Gregorio Catapang.
Sa darating na Linggo (Marso 22) ay gugunitain naman ang ika-146 kaarawan ni Aguinaldo.
Tags: AFP, Aguinaldo Shrine, DOTC, Emilio Aguinaldo, Gregorio Catapang, Jun Abaya