Isinagawa sa Iloilo City kahapon ng Liberal Party ang huling meeting de avance nito na pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Presente sa naturang rally si Presidentiable Mar Roxas, Vice Presidentiable Leni Robredo, ilan sa mga nasa senatorial slate ng Liberal Party at mga local government executives ng partido na tumatakbo rin ngayong eleksyon.
Sinamantala ng pangulo ang pagtitipon upang mapasalamatan ang kaniyang mga miyembro ng kaniyang gabinete dahil sa tulong ng mga ito upang maisakatuparan ang mga proyektong sa ilalim ng kaniyang termino.
Kabilang na rito ang Jalaur river dam project, longest river Esplanade, 91,992 beneficiaries ng 4Ps program at 1.8 million Philhealth beneficiaries sa Iloilo, health facility enhancement programs, 100% sitio electrification programs at iba pa.
Nangako naman ang pangulo na patuloy na tutulungang maisakatuparan ang iba pang mga proyekto sa iba’t-ibang lugar ng bansa sa nalalabing nitong panahon bilang pangulo ng Pilipinas.
Muli namang hinimok ng pangulo ang mga botante na sa isaalang-alang sa kanilang pagboto kung sino ang makakatulong na matiyak ang pag-angat ng kinabukasan ng mga darating na henerasyon.
(Vincent Arboleda / UNTV Correspondent)