Pangulong Aquino, pinangunahan ang ground breaking ceremony ng Clark Green City sa Tarlac

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 2404

JERICO_PNOY
Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang groundbreaking ceremony ng isang makabagong imprastraktura na inaasahang lilikha ng libu libong trabaho at bilyong halaga ng invesment opportunity sa bansa.

Ang proyektong Clark Green City ay itatayo sa lawak na 9,450 ektarya ng lupaing sakop ng Clark Special Economic Zone sa Capas Tarlac.

Proyekto ito ng pamahalaan sa pangunguna ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa pakikipagtulungan ng joint venture nitong Filinvest Land Inc.

Nasa ‘full swing’ na ang konstrukisyon nito dahil naumpisahan na ng Dept of Works and Public Highways ang pagtatayo ng main access road patungo sa naturang proyekto.

Tatayuan ito ng pinaghalong residential, institutional at mga commercial area.

Ang P1.7T na proyekto ang pangalawang city-making project ng BCDA na sumunod sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Inaasahang mapapakinbangan ng nasa 1.12 milyong residente, 800,000 mga manggagawa ang naturang proyekto at makakabahagi sa apat na porsiyento ng Growth Domestic Product(GDP) ng bansa.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,