Pangulong Aquino, pinangunahan ang change of command ceremony ng Philippine Army

by dennis | July 15, 2015 (Wednesday) | 1209
Si Maj. Gen. Eduardo Año, bagong hirang na Philippine Army commander
Si Maj. Gen. Eduardo Año, bagong hirang na Philippine Army commander

Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang change of command ceremony ng Philippine Army matapos maitalagang chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines ang dating commander nito na si Lt. Gen. Hernando Iriberri.

Si Maj. Gen. Eduardo Año ang hinirang ni Pangulong Aquino bilang bagong pinuno ng hukbong katihan.

Ayon kay Pangulong Aquino, kumpiyansa aniya siya sa kakayahan ng bagong commander ng Philippine Army bagaman hindi niya ito personal na kakilala.

Sinabi ng Pangulo, naniniwala siyang dahil sa malawak na karanasan nito ay maipagpapatuloy pa at maaring mahihigitan pa ni Gen. Año ang trabahong naiwan ng dating commander at ngayo’y AFP Chief of Staff Lt. Gen. Iriberri.

Si General Año ang tumulong sa pagtugis sa noo’y most wanted ng bansa na si Jovito Palparan at ang mag-asawang Tiamzon na mataas na opisyal ng NPA.(Jerico Albano,Ara Mae Dungo/UNTV Radio)