Pangulong Aquino, patungo ngayong U.S. at Canada

by dennis | May 6, 2015 (Wednesday) | 2109
File photo
File photo

Kasalukuyan ngayong bumibiyahe si Pangulong Benigno Aquino III patungong Canada at Amerika.

Nakatakdang manatili sa mga naturang bansa ang Pangulo mula Mayo 7 hanggang 9.

Sa kanyang departure speech kaninang umaga, nagpasalamat ito sa Canada dahil sa naging papel nito sa peace talks, ekonomiya at turismo ng bansa.

Si Pangulong Aquino ay pupunta sa Canada para sa isang state visit kung saan, kasama si Canadian Prime Minister Stephen Harper, ay lalagda ng mga bilateral agreement sa development assistance, infrastructure development at labor cooperation.

“Susulitin po natin ang pagkakataong ipakita sa mga kilalang negosyante ng Canada at sa mga Pilipinong makakaharap natin sa Toronto at Vancouver na talagang it’s more fun na ngayon sa ating bansa,” pahayag ng Pangulo.

Pero bago ito pumunta ng Canada, may isang araw na working visit ang Pangulo sa Amerika para makipagpulong sa mga negosyante at Filipino community sa Chicago, Illinois.

Tags: , ,