Dadaluhan ngayong umaga ni Pangulong Aquino ang Groundbreaking Ceremony ng Angat Dam Rehabilitation sa Norzagaray Bulacan.
Ito ay bilang pagpapasimula ng Angat Dam at dykes Strengthening Project na posibleng matapos sa loob ng dalawang taon ayon sa Angat Hydropower Corporation.
Bahagi ng proyekto ay ang pagpapatibay din ng Angat Dam Multi purpose Hydro facilities na nagsusupply ng tinatayang 97% ng tubig sa Metro Manila.
Ito ay base na rin sa assessment ng Finnish Engineering firm na Poyry Energy Limited na tumututok sa flood safety at structural safety.
Ayon sa pagaaral, nananatiling ligtas ang angat dam sakaling magkaroon ng matinding pagbaha kung ang lahat ng tatlong spillway gates nito ay nanatiling maayos na umagana.
Kung sakali naman na magkaroon ng malakas na lindol, ilang rehabilitasyon ng ilang bahagi ng dam ang inirekomenda.
Una, ang pagtataas ng 1.2 meters sa clay portion ng core ng main dam upang lalong tumatag ito.
Ikalawa ay ang pagpapalawak ng base ng downstream slope ng dam at dike.
Ang angat dam ay nagsusupply ng limangdaang milyong galon ng tubig araw araw na pinakiinabangan ng maraming pilipino sa Luzon at gayundin napapakinabangan ng mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga bilang patubig sa kanilang bukirin.(Jerico Albano/UNTV Radio Correpondent)