Nakatakdang dumating ngayong araw si Pangulong Benigno Aquino III kasama ang kanyang ilang myembro ng kanyang gabinete sa Arteche, Eastern Samar para pangunahan ang 50th Founding Anniversary ng lalawigan.
Inaasahang darating ang pangulo sa Borongan Eastern Samar airport ng alas- dyes ng umaga.
Bago paman tumungo ang pangulo sa Arteche magkakaroon muna ito ng aerial inspection kasama si DPWH Secretary Rogelio Singzon para personal na makita ang resulta ng implementasyon ng infrastructure development project ng mellinium challenge corporation 1 to 4 mula sa Eastern at Northern Samar.
Kabilang dito 222.24 kilometers road na inayos sa Eastern Samar at ang mahigit sa dalawanpung tulay na ginawa at ne-rehabilitate ng DPWH.
Pagkatapos ng aerial inspection ay pangungunahan ng pangulo ang pag turn-over sa circumferential road na nagdudugtong sa probinsya ng Eastern at Northern Samar.
Maliban rito, pangungunahan rin ng pangulo kasama si DOH Secretary Janette Garin ang pagturn-over ng mga health kits sa mga brgy health workers ng probinsya.
Pagkatapos nito ay tutungo na ang pangulo sa Arteche gym para e-deliver ang kanyang mensahe sa ika-limampung founding anniversary ng lalawigan.(Jenelyn Gaquit/UNTV Correspondent)
Tags: 50th Founding Anniversary, Arteche, Eastern Samar, Pangulong Benigno Aquino III