Pangulong Aquino, nasa Paris France para sa Climate Change Conference

by Radyo La Verdad | November 30, 2015 (Monday) | 2453

JERICO_PNOY
Dumating kagabi si Pangulong Aquino sa Paris France para sa kaniyang 2 day working visit at upang dumalo sa 21st Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change.

Base sa schedule ng Pangulo, 5:45 pm, oras sa Pilipinas, darating si Pangulong Aquino sa Parc Des Expositions, Le Bourget upang makipagkita kay French President Francois Hollande, COP21 President Laurent Fabius at Secretary-General of the United Nations Ban Ki-moon.

Alas seis ng gabi naman ay dadalo ang Pangulo sa opening ceremony ng leaders event sa 21st Conference of the Parties na inorganisa ng bansang France mula Nov. 30 hanggang Dec. 11.

Inaasahang mabubuo dito ang bagong universal agreement sa isyu ng climate change upang maibsan ang epekto ng global warming.

Magbibigay ng talumpati ang Pangulong Aquino pagkatapos ng dalawang batch ng national statements sa naturang conference at gayundin sa pagdalo nito sa Climate Vulnerable Forum (CVF) High-Level Event.

Ang CVF ay nagsisilbing collaborative platform para matugunan ang isyu sa climate change sa mga bansang madaling maapektuhan ng global warming sa pamamagitan ng pagbuo ng consensus sa international climate policies at pagbabahagi ng good practices para masolusyunan ang naturang isyu.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,