Pangulong Aquino nasa Europa para sa isang linggong working visit

by Radyo La Verdad | November 30, 2015 (Monday) | 1022

PNOY
Nasa Europa ngayon si Pangulong Benigno Aquino III, para sa anim na araw na working visit sa France, Italy at Vatican City.

Kabilang sa mga prayoridad na magawa ni Pangulo Aquino habang nasa Europa ang pagdalo sa 21st Conference of the Parties o COP21 para sa climate change conference sa Paris, France.

Personal na ipaabot ang pakikidalamhati sa France sa magkakahiwalay na terror attack na nangyari sa bansa.

Pakikipagpulong sa matataas na opisyal ng Italy kaugnay ng pagpapatatag ng relasyon ng dalawang bansa, inaasahang malalagdaan rito ang ilang kasunduan, kabilang na ang air services agreement kung saan napapaloob ang pagkakaroon ng direct commercial flights ng Pilipinas papuntang Italya.

Makikipagpulong rin ang Pangulo sa filipino community sa Rome upang alamin ang kalagayan ng nasa halos 200 libong Pilipino na nagtatrabaho doon

Inaasahang makakabalik sa bansa si Pangulong Aquino sa Desyembre a singko mula sa kanyang isang linggong three-state visit.

Tags: