Pangulong Aquino, nanawagan ng patas na concensus upang matulungan ang mga bansang matinding apektuhan ng climate change

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 1128

PNOY
Nagsimula na kanina ang Climate Change Summit na kilala rin as tawag na Conference of Parties o COP21 dito sa Paris, France.

Nasa sa isandaang at limampung world leaders ang dumalo sa nasabing forum na layong palawigin ang kasunduan sa paglaban sa lumalalang climate change sa mundo.

Nagbigay ng 3-minute national statement si Pangulong Aquino kung saan umapela ito sa mga world leader na magkaroon ng patas na concensus upang matulungan ang mga bansang matinding apektuhan ng climate change gaya ng Pilipinas.

Nanawagan rin ang punong ehekutibo ibang Heads of State at pamahalaan lalo na sa mga industrialized nation na ikinosidera ang pagdaragdag ng financial assistance sa pamamagitan ng aid sa mga bansang mahihirap

Ayon kay Pangulong Aquino nasa proseso pa rin ang bansa sa pagbuwag sa cycle kung saan bumabalik sa kahirapan ang mga komunidad sa coastal areas sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad

Sinabi rin ng Pangulo na bagamat isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamababang porsyento ng carbon emission ay committed ito na makamit ang target na mabawasan ng 70 percent ang green house gases emission bago sumapit ang 2030

Ayon sa global climate risk index 2015 ng germanwatch.org bagamat isa ang Pilipinas sa may pinakamababang carbon emission sa mundo, pang lima (5) naman ito sa sampung bansang pinaka na-apektuhan ng matitinding kalamidad o weather events mula 1994 hanggang 2013.

Pinangunahan ito ng Honduras at sinundan ng Myanmar, Haiti at Nicaragua.

Noong 2013, nanguna ang Pilipinas sa mga pinaka na-apektuhan ng matitinding kalamidad dahil sa pananalasa ng bagyong yolanda, kung saan mahigit anim na libo ang nasawi at mahigit 89 billion pesos ang kabuuang pinsala sa imprastraktura at agrikultura at iba pa.

Pagkatapos ang talumpati ng pangulo ay makikipagpulong na ito sa mga miyembro ng climate vulnerable forum (cvf) na binubuo ng 20 developing countries na labis na naaapektuhan ng climate change. (Piching Vizcarra/UNTV News)

Tags: , ,