Pangulong Aquino, nakipagpulong sa matataas na opisyal ng AFP kaugnay ng madugong engkuwentro sa Basilan

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1733

PNOY
Nakipagpulong na si Pangulong Benigno Aquino III sa matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines(AFP) at ilang miembro ng security cluster ng Pangulo.

Kasunod ito ng nangyaring enkuwentro sa pagitan ng militar at Abu Sayaf Group sa Tipo Tipo Basilan noong nakaraang sabado na ikinasawi ng 18 sundalo at ikinasugat ng mahigit sa limampung sundalo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, pinulong ng pangulo sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at AFP Chief of Staff Hernando Iriberri upang alamin ang ulat sa patuloy na pagtugis sa miyembro ng bandidong grupo.

Tiniyak ng dalawang opisyal sa Pangulo na patuloy ang isinasagawang operasyon laban sa naturang grupo alinsunod na rin sa nauna ng iniutos ng Pangulo, at sapat naman anila ang kagamitan ng militar para tugisin ang mga ito.

“Both officials informed the President that, in accordance with his instructions, pursuit operations are still being conducted and that the troops are fully equipped and adequately supported.” Ani Coloma.

Ayon pa kay Coloma, pinaigting na ng Militar ang kanilang operasyon laban sa mga ito mula pa noong Dec 2015 na nagresulta na aniya sa pagkakapatay sa mga high-value terror suspects kabilang
Malaysian Mohd Najib Hussein (a.k.a. Abu Anas), Moroccan Mohammad Khattab and Ubaida Hapilon, son of senior ASG leader Isnilon Hapilon.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,