Si Pangulong Benigno Aquino The Third na ang mismong nakipag-usap kay Camarines Sur Representative Leni Robredo upang kumbinsihin itong tumakbo bilang bise presidente ni Mar Roxas sa 2016 national elections.
Ito ang kinumpirma ng Pangulo nang humarap siya sa media sa kanyang pagbisita sa Luna, Apayao kaninang umaga.
Ayon sa Pangulo, nangyari ang pulong kahapon kasama si Roxas at ang dalawang anak ni Robredo.
Kabilang umano sa mga tinalakay ang mga saloobin ni Robredo sa panukalang tumakbo siya sa mas mataas na posisyon lalo’t nasalang lamang siya sa pulitika nang mamatay ang kanyang mister na si dating DILG Sec. Jesse Rebredo.
Naniniwala rin ang Pangulo na malaki ang maiaambag ni Robredo sa pagpapatuloy ng adbokasiyang tuwid na daan ng administrasyon lalo’t marami din naman itong nagawang magandang serbisyo sa camarines sur, katuwang ang kanyang yumaong mister.
Ikinatuwa rin ng Pangulo ang pag-angat ni Roxas sa pinakahuling presidential surveys.(Grace Doctolero/UNTV Correspondent)