Nagtala ng pinakamababang approval at trust ratings si Pangulong Benigno Aquino III simula ng manalo ito sa pagka-Pangulo noong May 2010 elections.
Nagtamo lamang si Pangulong Aquino ng 38% approval at 36% trust ratings sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula March 1 hanggang 7. 27% naman ang nagbigay ng distrust ratings sa Pangulo. Ibig sabihin, 1 sa bawat 4 na Pilipino ang nagsasabing hindi nila pinagkakatiwalaan si Pangulong Aquino
Mula November 2014 hanggang March 2015, nagtala ang Pangulo ng malaking pagbaba sa kanyang overall approval at trust ratings na nasa -21 at -20 percentage points ayon sa pagkakasunod-sunod
Ito ang unang pagkakataon na nakapagposte ng non-majority approval at trust ratings ang Pangulo simula ng isailalim ito sa survey noong October 2010.
Naniniwala naman si Senador Francis Escudero Jr na malaki ang epekto ng Mamasapano incident sa pagbagsak ng ratings ng Pangulong Aquino.
Ayon pa kay Escudero, posible rin na magtuloy-tuloy ang pagsadsad ng ratings ng Pangulo kung di malalaman ang buong katotohanan sa pangyayari at kung hindi agad mabibigyan ng hustisya ang mga naulilang pamilya ng 44 na SAF troopers na namatay sa Mamasapano.
Tags: March, Pangulong Aquino, President Aquino, Pulse Asia, Pulse Asia survey