Pangulong Aquino, nagpasalamat na sa kaniyang PSG troopers sa huling apat na buwang nalalabi bilang Commander-in-Chief

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1040

ROSALIE_PNOY
Ito na ang huling pagdalo ni Pangulong Benigno Aquino The Third sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Presidential Security Group bilang pangulo at ilang buwan bago ito bumaba sa pwesto, pormal nang nagpasalamat ang pangulo sa kaniyang PSG troopers.

Sa speech ng pangulo, kinuwento nito ang pagkakaiba ng noo’y Presidential Security Command sa ilalim ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at Presidential Security Command naman sa ilalim ng kaniyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino.

Taong 1986 nang itatag ang Presidential Security Group bilang support at separate unit ng Armed Forces of the Philippines.

Responsiblidad ng PSG na tiyakin ang seguridad ng pangulo at first family ng bansa.

Si National Defense Secretary Voltaire Gazmin ang kauna-unahang PSG commander noong 1986.

Ang kasalukuyang PSG commander naman na si Rear Admiral Raul Ubando ang kauna-unahang Navy officer na nanguna sa PSG.

Ilan sa mga malalaking hamon na kinaharap ng PSG troopers noong 2015 ay ang pagbisita ng pinuno ng Vatican city, ang ika-23 APEC Economic Leaders’ Meeting at ang katatapos lamang na pagbisita ng Emperor at Empress ng Japan sa bansa.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,