Pangulong Aquino nagpasalamat at nagpaalam na sa AFP

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 1336

PNOY
Muling binalikan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nadatnan niyang kalagayan noon ng Armed Forces of the Philippines nakulang ang mga kagamitan at mga sundalo.

Ayon kay Pangulong Aquino, tinupad niya ang kaniyang pangako na magsagawa ng malawakang modernisasyon sa hukbong sandatahang lakas ng pilipinas.

Sa ulat ng Pangulo, sa kaniyang administrasyon umabot sa 56.79 billion pesos ang nailaang budget para sa 45 proyekto ng AFP na mas malaki kumpara sa nakaraang tatlong administrasyon.

Sa huling pagdalo ni Pangulong Aquino bilang Commander in Chief sa AFP anniversary, pinasalamatan niya ang lahat ng bumubuo sa hukbong sandatahan sa serbisyo nito sa bayan.

Sa pamama-alam ni Pangulong Aquino, binigyan niya ng huling misyon ang AFP at ito ay siguruhin ang matiwasay at matagumpay na halalan sa susunod na taon.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: ,