Pangulong Aquino, naging abala sa panghihikayat ng mga mamumuhunan mula sa Japan upang mas mapalakas pa ang ekonomiya ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | June 4, 2015 (Thursday) | 1501

pnoy-sa-japan
Sa kaniyang pakikipag-usap sa mga business leaders sa Tokyo, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III ang kahandaan ng bansa na mapatibay pa ang relasyon ng Japan at Pilipinas, hindi lamang sa ugnayang panseguridad kundi maging sa ugnayang pang-ekonomiya.

Pinuri ng Pangulo ang magandang takbo ng business investments ng Japan sa Pilipinas sa mga nagdaang taon.

Ipinagpasalamat din ng Pangulo ang tiwalang ibinibigay ng mga mamumuhunan ng Japan upang magpatuloy sa kanilang mga negosyo sa Pilipinas.

Sa kasunod na pulong ay muling inilahad ng Pangulo ang potensyal ng Pilipinas sa negosyo sa mga mamumuhun ang taga-Japan para lalong umunlad pa ang ekonomiya ng bansa.

Tags: