Kumpiyansa si Pangulong Benigno Aquino the third at nakatitiyak na mas mabuti ang kalagayan ng bansa at mga pilipino ngayon kaysa sa nakalipas na anim na taon.
Kaya, sa huling pagkakataon, muli nitong ipinagmalaki ang mga nagawa ng kaniyang administrasyon.
Higit sa karangalang tinamo ng bansa sa ilalim ng kaniyang pamumuno, hindi rin nito nakalimutang pasalamatan ang mga empleyado at opisyal ng pamahalaang nakatuwang niya sa paglilingkod-bayan.
Sari-saring kontrobersyal man ang naging kaakibat ng pamumuno ni Pangulong Aquino tulad ng usapin sa Disbursement Acceleration Program at maging ang hindi pagkakapasa ng Freedom of Information Bill, naging positibo naman ang resulta ng mga good governance program nito.
Ayon kay outgoing Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., katunayan nito ay ang pagkilala sa Pilipinas bilang Asia’s Rising Star mula sa pagiging Sick Man of Asia.
Ibinibilang na ring isang investment grade country ang Pilipinas.
(Rosalie Coz/UNTV Radio)