Pangulong Aquino, muling iginiit na hindi siya nagpabaya sa kaso ni Veloso

by dennis | May 1, 2015 (Friday) | 1772
Indonesian President Joko Widodo at Pangulong Benigno Aquino III (photo credit: Reuters)
Indonesian President Joko Widodo at Pangulong Benigno Aquino III (photo credit: Reuters)

Muling pinabulaanan ng Malakanyang ang mga pahayag ng pamilya Veloso na pinabayaan nito ang kaso ng kanilang anak para humantong sa hatol na kamatayan.

Ayon kay Pangulong Aquino, ginawa niya ang lahat ng maari niyang magawa para mailigtas si Veloso kahit wala siyang kinalaman sa nagawang krimen noong 2010 nang madakip ito sa Indonesia dahil nahulihan ito ng 2.6 na kilo ng heroin sa kaniyang bagahe.

“Basta I did…We did what we could‎. We were not involved in the creation of the problem.” pahayag ng Pangulo.

Hinamon din nito ang mga kritiko na kung sila kaya ang nasa kaniyang kalagayan, ano pa ang ibang magagawa ng gobyerno na iba sa ginawa na nilang paraan.

“But what if I throw it back to you, what more can the government do? You know, from the counsels that were provided, from the intercessions done through with President (Joko) Widodo, with foreign ministers, through the Attorney General,” pahayag pa ng Pangulo.

Sinabi ito ni Pangulong Aquino matapos na sabihin ni Celia Veloso, ina ni Mary Jane Veloso, na sisingilin nito ang pamahalaan dahil sa pagpapabaya umano ng pamahalaang Aquino.

Sa ngayon ay umaasa ang Pangulo na makikipagtulunan si Veloso bilang maging isang testigo para ma extend ang clemency na naipagkaloob sa kaniya ng gobyerno ng Indonesia.

“Hahabulin natin kung hanggang saan umabot yung ebidensiya para maprosecute yung mga nagkasala at in that sense…para maituro na rin yung other linkages with the alleged foreigner who passed the drugs to her. Baka we might get hints. We might be able to capture them or other members of the syndicate. And if Mary Jane becomes very very helpful‎ in the process, well that might be a basis for extending some clemency, ” dadgdag pa ng Pangulo.

Tags: , , ,