Pangulong Aquino, muling igigiit sa ASEAN Summit ang pagbuo ng Code of Conduct sa West PHL Sea

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 1609
File photo
File photo

Muling mananawagan ng tulong si Pangulong Benigno Aquino III sa kapwa pinuno mula sa mga member-state ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay sa isyu ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Hihilingin ni Pangulong Aquino sa nalalapit na ASEAN Summit na gaganapin sa Malaysia, na bumuo ng Code of Conduct sa naturang gusot sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang pagtatayo ng mga istruktura ng China sa ilang lugar sa karagatan kabilang ang Kagitingan Reef, Gaven Reef, at anim na iba pang sa pinag-aagawang teritoryo.

Nababahala ang Pangulo na baka dumating ang panahon na kailangan pang magpaalam ng Pilipinas sa Chinese government para makapangisda sa exclusive economic zone ng bansa na pilit na sinasakop ng China.

Ayon pa kay Pangulong Aquino, ang sigalot sa West Philippine Sea ay hindi lamang problema ng ASEAN kundi problema din ng buong mundo dahil 40 porsyento ng mga ibinabyaheng kalakal ay dumadaan sa nabanggit na karagatan.

Tags: , , , , , ,