Pangulong Aquino, may pananagutan sa Mamasapano operation – Sen. Poe

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 1265
Photo credit: Bryan de Paz, UNTV News Correspondent
Photo credit: Bryan de Paz, UNTV News Correspondent

May pananagutan si Pangulong Benigno Aquino III sa mamaspano operation batay sa resulta ng imbestigasyon ng senate committee on public order and dangerous drugs ngayong hapon.

“As to the President, he is ultimately responsible for the Mamasapano mission…” ito ang naging pahayag ni Poe sa isinagawang press briefing sa Senado.

Si Poe ang chairperson ng naturang komite na nagsagawa ng imbestigasyon sa Mamasapano clash na ikinasawi ng 44 na Special Action Force (SAF) troopers noong Enero 25.

Ipinahayag din ni Poe na maaring sampahan ng kasong administratibo si resigned PNP chief Alan Purisima dahil sa pakikialam sa operasyon sa kabila ng pagiging suspindido nito sa panahon na inilunsad ang operasyon.

Habang maaari namang masampahan ng kasong grave misconduct si dating SAF director Getulio Napeñas.

Pero ayon kay Poe, dahil may immunity from suit si Pangulong Aquino, maaari lamang ito managot sa pamamagitan ng pagsasampa ng impeachment complaint.