Pangulong Aquino, maraming mahalagang issue na hindi binanggit sa kanyang SONA ayon sa ilang mambabatas at ekonomista

by Radyo La Verdad | July 28, 2015 (Tuesday) | 2468

BRIONES
Ilang mambabatas ang nakapuna na maraming mahahalagang issue na kailangang maliwanagan ng mga mamayan ang hindi nabanggit ni Pangulong Aquino sa kanyang huling SONA kahapon.

Kabilang na ang mga plano nito para sa pamahalaan hanggang sa 2016 at kung ano ang mga dapat pang gawin sa ilang problema tulad sa sektor ng agrikultura, power generation at inprastraktura.

Ngunit ayon sa Malakanyang, nakasaad naman sa Phil. Dev. Plan ang mga plano ng pamahalaan hanggang 2016.

Ayon naman kay Prof Leonor Briones ng University of the Philippines, isang ekonomista, dating National Treasurer at Lead Convenor ng Social Watch Philippines sa kabila ng maraming detalye, may mga importanteng isyu na hindi talaga naisama.

Tulad na lamang ng constitutional issues hinggil sa PDAF at DAP, at Bangsamoro Basic Law, FOI Bill at ang National Budget.

Hindi rin nabanggit ang West Philippine Sea Issue at ang Mamasapano incident.

Dagdag pa ni Briones, hindi rin nabigyang diin sa SONA ang epekto ng mataas na GDP sa mga mahihirap.

Sinabi rin nito, malaki pa rin ang problema sa kahirapan sa bansa at isang patunay dito ay ang mataas na inequality sa bansa.

Ayon kay Briones, importante ang mga isyu na ito sa huling SONA ni Pangulong Aquino.

Sinabi naman ng Malakanyang, ang hindi pagkakasama ng Mamasapano incident sa SONA ay hindi nangangahulugan na hindi ito pinapahalagan ng Pangulo.

Tags: ,