Pangulong Aquino, lumabag sa protocol para maisalba lamang si Veloso sa deathrow

by dennis | April 29, 2015 (Wednesday) | 1465
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Mismong si Pangulong Aquino umano ang nakipagusap sa Foreign Affairs department ng Indonesia para iapela na mailigtas ang buhay ni Mary Jane Veloso sa death row.

Sa protocol, karaniwang sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs pinapadaan ang mensahe ng isang bansa sa isa pang bansa.

Ayon kay Cabinet Sec. Rene Almendras, kagabi ay direktang nakipagusap ang Pangulong Aquino sa Gobyerno ng Indonesia para sabihing sumuko na ang recruiter ni Veloso na posibleng makapagbibigay ng linaw sa kaso.

Ani Almendras, hindi nawalan ng pagasa si Pangulong Aquino kahit na ipinagpauna na kahapon ng pamahalaan ng Indonesia na ipagpapatuloy ang pagbitay kay Veloso.

“Aquino sort of broke protocol by talking to Indonesian Foreign Minister. That shows how he’s determined to move his message ASAP.” pahayag ni Sec. Almendras.

Samantala bumuwelta naman ang kalihim sa mga bumabatikos sa pamahalaan, hindi na umano mahalaga kung kanino ang credito o kung sino ang dapat papurihan dahil ang mas mahalaga ay nabigyan ng considerasyon si Veloso at nailigtas sa kamatayan.

“It’s not important as to who gets credit on this. As a nation, we’re celebrating that Mary Jane Veloso is alive” ani Sec.Almendras.(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: , , ,