Alas diyes ng umaga magsisimula ang programa para sa signing ceremony ng 3 trillion peso-2016 General Appropriations Act dito sa Malakanyang.
Dadaluhan ang signing ceremony ng mga miyembro ng gabinete, mga kongresista, senador at mga representante mula sa business sector.
Ayon sa Malakanyang, labindalawang kopya ng 2016 GAA ang lalagdaan ng Pangulo at pagkatapos nito ay magbibigay siya ng talumpati.
Malaking alokasyon ng 3.002 trillion pesos budget ay mapupunta sa Department of Education na may mahigit 411 billion pesos, Department of Public Works and Highways, Department of the Interior and Local Government,Deparment of Health,National Defense,Department of Social Welfare and Development, Agriculture Department, State Universities and Colleges, Department of Transportation and Communications at Armm.
Napapaloob din sa 2015-3 trillion National budget ang 7 billion pesos na inilaan para sa 2015 Salary Standardization Law o pagtataas sa sahod ng mga empleyado ng pamahalaan na inaasahang magsisimula ang unang tranche sa pagpasok ng Enero.
Ayon kay Department of Budget and Management Florencio Butch Abad , doble ang laki ng budget na ito kumpara sa mga nakaraang taon, pinakamalaking alokasyon din sa budget na ito ang para sa social at economic services.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: 2016 General Approriations Act, lalagdaan, ngayong araw, P3-T, Pangulong Aquino