Pangulong Aquino, inaprubahan ang P3.84B na halaga ng infrastucture projects.

by dennis | July 17, 2015 (Friday) | 1085
Photo credit: Public-Private Partnership Center (http://ppp.gov.ph/)
Photo credit: Public-Private Partnership Center (http://ppp.gov.ph/)

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority o NEDA sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III ang ilang major infrastructure projects na layuning magpapaangat pa sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, isa sa mga naaprubahan ay ang Phase 2 ng NAIA Expressway Project.

Ang naturang proyekto ay pangungunahan ng Department of Public Works and Highways kung saan isasagawa ang alignment mula Domestic Road hanggang sa Paranaque River/Electrical Road.

Nagkakahalaga ito ng P2.04 billion na popondohan ng National Budget.

Inaprubahan din ang P223 million Daang Hari SLEX Link Road Project ng DPWH. Gayundin ang P1.58B Civil Registry System Information Technology Project ng Philippine Statistics Authority para sa computerization ng civil registry operations nito.

Ayon pa kay Sec. Coloma, naka skedyul na din ang pagpupulong ng NEDA board para sa Bonifacio Global City at Ortigas Link Project na naglalayong mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA at C5 Road.(Jerico Albano/UNTV Radio)