Pangulong Aquino, hindi inaprubahan ang pagtataas ng sahod ng mga nurse

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 2753

JERICO_PNOY (2)
Hindi inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na naglalayong maitaas ang sahod ng mga nurse sa 25,000 pesos kada buwan.

Ipinahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na hindi nilagdaan ng pangulo ang House bill no. 6411 at Senate bill no. 2720 na may titulong “An act providing for a comprehensive nursing law towards quality health care system, and appropriating funds therefor.”

Dagdag pa nito na ang minimum base pay para sa entry-level nurses ay naitaas na sa pamamagitan ng Executive order no.201 series of 2016 kung saan itinaas ang kanilang total guaranteed annual compensation mula sa 228,924.00 sa 344,074.

Malayo rin aniya ang kompensasyon sa iba pang benepisyo at allowances na kanilang natatanggap sa ilalim ng magna carta ng public health.

(Joms Malulan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,