Tutol si Senate President Franklin Drilon sa ipinatutupad na sobrang taas ng singil sa political advertisement ng mga kandidato sa eleksyon.
Ayon kay Senator Drilon, sakaling muling manalo sa halalan ay maghahain ito ng Senate bill upang matalakay ang sobrang mahal na political ads sa telebisyon.
Aniya, ang singil sa political ads sa telebisyon ay umaabot na 997,000 pesos sa loob lamang ng tatlumpung segundo sa prime time at 831,000 pesos naman sa post time programs.
Dagdag pa ng senador na mas mahal pa ang singil sa political ads kumpara sa ibang commercial ads kung kaya dapat aniya na pagdebatihan ito upang magawan ng solusyon ng 17th Congress.
Tags: Mataas singil, political advertisement, Senate President Drilon