Pangulong Aquino, dadalo sa ika 80 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines sa Clark airbase Pampanga

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 1272

JERICO_PNOY
Panauhing pandangal si Pangulong Benigno Aquino III sa ika 80 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines dito sa Haribon Hangar Clark Airbase Mabalacat Pampanga alas diyes ng umaga.

Makakasama ng Pangulong Aquino sa progama sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, AFP Chief of Staff Hernando Iriberri, Lt. GEN JEFREY delgado at Lt. GEN. EDUATFO ANO ng Phil Airforce AT vice admiral ceasar taccad ng Philippine Navy.

Base sa schedule, Ipapakita dito ang nasa apat na pung bagong biling aircraft ng AFP sa ilalim ng modernization program nito.

Kabilang dito ang paunang dalawang units ng FA 50 fighter jets mula sa south korea at apat na UH – D Helicopters at tatlong UH-1 Helicopters.

Magbibigay ng mensahe ang pangulo sa naturang selebrasyon.

Dadaluhan ang naturang programa ng 800 panauhin na kinabibilangan ng mga opisyal at staff ng Dept. Of National Defense, AFP Major Services Commanders, AFP Joint Staff, PNP ang PCG Officers, mga dating pangulo ng Bansa, mga miembro ng gabinete at diplomatic corps, at iba pang inimbitahan sa naturang pagtitipon.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,