Pangulong Aquino bukas sa bilateral meeting kay Chinese President Xi Jinping sa APEC Summit

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 2011

PNOY-2
Bukas si Pangulong Benigno Aquino III sa pagkakaroon ng bilateral meeting kay Chinese President Xi Jinping sa APEC Summit sa Nobyembre upang pagusapan ang ibat ibang isyu tulad ng isyu sa West Philippine Sea.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na tugon ang Pilipinas mula sa China kaugnay sa imbitasyon nito sa APEC Economic Leaders Meeting.

Ayon sa Pangulo, isang bagay lang naman ang kaniyang ipapaabot na mensahe sa Chinese President sakaling magkaroon ng bilateral meeting.

“Then it will be what i have already told to his predecessor all our government has supposed to be there for the improvement of the lot of our people, improvement in our lives and these can only happened if there is stability”.
Pahayag ni Pangulong Aquino

sa kasalukuyan may ilang bansa na rin ang nagpahayag ng intensyon na makipagpulong kay Pangulong Aquino sa darating na APEC Summit. ( Nel Maribojoc / UNTV News )

Tags: ,