Nanguna sina Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay sa mga opisyal ng pamahalaan na mas pinagkakatiwalaan at may mataas na performance ratings.
Ayon sa bagong survey ng Pulse Asia, mataas pa rin ang approval ratings ni VP Binay na may 58%, habang nasa 54% naman ang approval ratings ni Pangulong Aquino. Samantala, nasa 49% ang approval rating ni Senate President Franklin Drilon, kasunod si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may 31% at 30% naman kay House Speaker Feliciano Belmonte.
Most trusted official pa rin si VP Binay na may trust rating na 57%, kasunod si Pangulong Aquino na may 50%, 45% si Drilon, 28% si Belmonte at 27% si CJ Sereno.
Isinagawa ang survey noong May 30 hanggang June 5 2015 na nilahukan ng 1,200 respondents. (Nel Maribojoc/UNTV News)
Tags: approval ratings, Jejomar Binay, Noynoy Aquino, Pangulong Aquino, Pulse Asia, trust ratings, VP Binay
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com