Inaprubahan na ng Pangulong Benigno Aquino III ang paglagda ng Articles of agreement sa pagitan ng Dept. Of Finance at Asian Infrastructure Investment Bank O AIIB.
Ito ay bilang paglahok sa isang multilateral institution na naglalayong magpapabilis sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., inaprubahan ito ng Pangulo dahil na rin sa rekomendasyon ng Department of Finance.
Ang AIIB ay isang institusyon sa China na tumutugon sa mga pangangailangan sa puhunan ng bansa sa Asia Pacific Region bukod sa World Bank at Asian Development bank ng Estados Unidos.
Naniniwala ang Department of Finance na dagdag na tulong ito mga ibang intitusyon para sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Isasagawa ang opening ceremony at inaugural meeting ng Board of Governors at Board of Directors sa Beijing sa 3rd week ng January 2016.
Tags: abrubado, Asian Infrastructure Investment Bank, paglahok, Pangulong Aquino, Pilipinas