METRO MANILA – Pangmatagalang hakbang at pag-iingat upang matiyak ang katatagan at pagiging handa ng bansa kontra mga sakunang maaaring tumama sa hinaharap ang tinitingnan ni senatorial aspirants Rey Langit at Astra Pimentel.
Pangako ni Langit ang pagpapasa ng mga hakbang na ito upang makatulong sa pagpapababa ng mga pinsalang dulot ng mga bagyo.
Dagdag rin sa pangako niya ang mga hakbang naman uko sa rational land-use planning at mas mataas na kalidad ng pagtatayo ng mga kalsada upang mapababa ang posibilidad ng mga pagguho ng lupa.
Intensive reforestation naman ang isinusulong ni senatorial aspirant Pimentel na kailangan upang mapigilan ang malaking mga pagguho ng lupa sa mga high-risk areas sa bansa.
Umabot sa 178 indibidwal ang namatay, 111 nawawala, at 8 sugatan ang iniwang pinsala ng bagyong Agaton ayon sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Tinatayang aabot naman sa P257,025,441.06 ang estima dulot ng pinsalang pang-agrikulturang inabot ng Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
May humigit kumulang na 11,300 na bahay naman ang nasira sa Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao region, Soccskargen, at Caraga.
(Ritz Barredo | La Verdad Corespondent)