Panghuhuli sa mga school bus na edad 15 taon pataas, sisimulan na ng LTFRB

by Radyo La Verdad | May 25, 2015 (Monday) | 1603

SCHOOL BUS
Hindi na magbibigay ng extension ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga school bus na labing limang taon pataas nang ginagamit

Ito ay sa kabila ng pakiusap ng ilang school bus operator na bigyan pa sila ng palugit.

Bunsod nito, uumpisahan na ng LTFRB ang paghuli sa mga ito simula sa susunod na linggo kasabay ng muling pagbubukas ng klase.

Nanindigan ang ahensya na sapat na ang panahon na binigay nila upang makapagpalit ang mga ito ng bagong unit

Maituturing na bilang mga colorum ang mga lumang school service at pagmumultahin ang mga ito ng dalawang daang libong piso kapag nahuli.

Kahapon, nag-inspeksyon ang LTFRB sa mga school service at marami sa mga ito ang nakakitaan ng paglabag

Ayon sa LTFRB, kailangan na ang isang school service ay mayroong proper markings upang madali itong matukoy sa kalsada

Mayroong grills sa bintana at seatbelt bilang proteksyon sa mga estudyanteng nakasakay

May fire extinguisher at medical kit para sa mga emergency use.

Dapat ay meron ding early warning device kung sakaling masiraan ang isang school bus.

Bibigyan naman ng isang linggo ng LTFRB upang makasunod sa mga panuntunan ang ilang operator na nakakitaan ng paglabag at payagan na makapag operate sa darating na pasukan.(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: