Nagpaaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga mangingisda na mahigpit paring ipinagbabawal sa mga karagatang sakop ng Pilipinas ang panghuhuli ng mga butanding o whale shark at dolphins.
Noong nakaraang taon ay naging mainit ang isyu sa umano’y pahayag ng mayor ng Dumajog Cebu na papayag itong hulihin ang mga naglalakihang isda sa dagat gaya ng whale shark dahil nagiging kompetensya na ito ng mga mangingisda.
Subalit pinabulaanan naman ito ni Mayor Nelson Garcia at sinabing out of context ang mga balita tungkol dito.
Nasasakop ng Dumajog ang bahagi ng tañong straight na mayaman sa mga mammal gaya ng whale shark at dolphins.
Ayon sa BFAR, ang iligal na pangingisda ang dahilan ng pagkaunti ng mga isda.
Ayon sa general biologist at Naui Instructor na si Luis Heredia, hindi naman magiging kakompetensya ng mga mangingisda ang mga butanding dahil iba naman ang kinakain nito.
(Rey Pelayo/UNTV Radio)