Pangatlong batch ng mga basura, naibalik na sa South Korea

by Erika Endraca | February 17, 2020 (Monday) | 2832

Naibalik na sa South Korea Kahapon (Feb.16) ang pangatlong batch ng mga basurang itinapon dito sa Pilipinas.

50 container na naglalaman ng mga basura ang ibinyahe na mula Mindanao International Container Terminal sa papunta sa South Korea.

October 2018 pa nasa Tagoloan Misamis Oriental ang mahigit 6,000 tonelada ng basura mula sa nasabing bansa

Nakatakda namang ibinyahe ang ika-4 na batch ng mga basura sa susunod na Linggo.

Umabot na sa mahigit 100  container ng basura ang naibalik ng pamahalaan sa South Korea.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,