Nagpaliwanag ang Malakanyang sa pagkakatalaga ni Pangulong Aquino sa PNP-Highway Group bilang pangunahing mangangasiwa sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mas maraming kagamitan ang HPG kumpara sa MMDA kung Traffic Management at paghabol sa mga driver lumalabag sa batas trapiko ang pag-uusapan.
Sinabi pa ni Lacierda ang hakbang ng Pangulo ay hindi nangangahulugan na wala itong tiwala sa mmda sa pagpapatupad ng batas trapiko.
Suportado naman ito ang Automobile Association of the Philippines.
Naniniwala ang presidente nito na si Gus Lagman sa kakayahan ng HPG na masugpo ang mga lumalabag sa batas trapiko.
Pabor rin ang ilang motorista sa kautusang ito ng Pangulo.
Naniniwala ang ilang bus at taxi drivers, na malaking ang maitutulong ng Highway Patrol Group upang malutas ang matagal nang problema sa trapiko sa Edsa.
Makabubuti rin anila ang pagtutulungan NG HPG,MMDA,LTFRB at LTO upang madisplina ang mga motorista na sumunod sa batas trapiko. ( Joan Nano / UNTV News)