Pangangampanya, bawal sa PMA Alumni Homecoming

by Radyo La Verdad | February 17, 2016 (Wednesday) | 1928

Armed-Forces-Chief-of-Staff-Gen.-Hernando-Iriberri
Itinuturing na mahalagang okasyon para sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang Alumni Homecoming ng Philippine Military Academy.

Ito ang pagkakataong inaalaala ng mga nagtapos sa pma ang kanilang buhay kadete at muling maka-ugnayang kanilang mga mistah at kaibigan sa akademya.

Kaya naman gaya ng lahat ng military camps sa buong bansa, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsasagawa ng anumang political activity sa loob ng akademya lalo na sa Alumni Homecoming nito.

Bunsod nito nagkaroon ng coordinating conference at nagpadala na ng mensahe at impormasyon ang pamunuan ng PMA Alumni Association sa lahat ng mga dadalo upang paalalahanan, isang buwan bago ang pagtitipon.

Tinatayang isang libo at limang daang active at retired officers ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police at apat na libo’t limang daang bisita ang dadalo sa Alumni Homecoming sa pma sa fort gregorio del pilar Baguio City mula February 19 hanggang February 21.

Kabilang ang mga inaasahang dadalo sa PMA Alumni Homecoming ay sina Armed Forces Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri ng pma class 1983 at Defense Secretary Voltaire Gazmin na kabilang naman sa PMA Class 1968.

Guest speaker naman sa event ay si PMA Class ’71 cavalier Marciano Paynar, dating Director General ng APEC Organizing Committee.

Nagbabala rin ang AFP sa mga kandidato na dadalo sa pma alumni homecoming na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya.

Magkakaroon din ng ibang activity tulad ng Eco trail run, golf tournament at Alumni parade.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,