Pangamba sa posibleng pagkalat ng ebola virus sa bansa, pinawi ng Malacanang

by Radyo La Verdad | September 7, 2015 (Monday) | 8657

COLOMA
Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng publiko sa ulat na nakapasok ang na ang nakamamatay na ebola virus sa bansa.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, iba ang uri ng ebola virus na nakita sa ilang unggoy sa isang pasilidad sa bansa at hindi naman ito nakapagdudulot ng sakit sa tao.

Tiniyak din ng Malakanyang na nagtutulungan na ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang hindi makapasok sa Pilipinas ang ebola virus at iba pang nakamamatay na mga sakit.

“Ayon sa Department of Health ang uri ng ebola na nakita sa bansa ay hindi kahalintulad sa strain na kumalat sa Africa ang klase ng ebola na ito ay ebola reston ay dati nang nakita sa bansa at naidokumento ng DOH na hindi nakapagdudulot ng anumang sakit sa tao”. Pahayag ni Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior.

Tags: