Uumpisahan ng ipamigay ngayon araw ng isang bake shop ang 5 million worth na cake na ipinangako nito kapag manalo sa eleksyon si Rodrigo Duterte.
Matatandaan sa post ni Chef Jack Labang ng Quims Cake, pitong buwan na ang nakakaraan ng ipangako niya na magbibigay ng 5 millon worth ng mga cake kung mananalo sa eleksyon si Duterte.
Ayon kay Chef Jack, nagalit sya noong una ng sinabi ni Duterte na hindi sya tatakbo sa pagka presidente
Uumpisahan nila mamayang 3pm hanggang 5pm ang pamimigay ng cake, subalit mayroong mechanics upang makakuha ng libreng cake
Una ay i-like ang kanilang fb page, mag email sa kanila at ilagay ang “free cake” bilang subject, kasama ang pangalan, address at phone number at i-send sa quimscake@yahoo.com
Matapos nito, hintayin na i-post ng Quims Cake sa kanilang fb page ang inyong pangalan at kung kailan pwedeng makuha ang cake.
Ang registration ay first come first served basis.
Ayon kay Chef Jack na blessing in dusguise ang nangyari dahil mas lalong lumaki ang kanilang sales.
Kung kukwentahin, ang isang chocolate moist cake ay nagkakahalaga ng 800 pesos at 110 pesos ang kada slice.
Sa 5 million pesos, lalabas na dapat ay makapagbigay sila ng libreng forty five thousand four hundred fifty four slices na cake araw-araw sa loob ng apat na taon.
Subalit aabutin ito ng 37 years dahil 2 beses lamang sila mamimigay ng cake sa loob ng isang buwan.
Ipamimigay nila ang limampung cake ngayon araw at ang susunod ay kada labing limang araw hanggang sa makumpleto ang 5 million worth na cake.
(Mon Jocson/UNTV Radio)
Tags: Chef Jack, Quims Cake