Tiyak na madadagdagan na ang mga abogado ng Philippine National Police Legal Service na magtatanggol sa mga pulis na may kinakaharap na kaso kung tutuparin ni Presumptive President Rodrigo Duterte ang pangakong itataas ang sahod ng mga pulis.
Ayon kay legal service spokesperson PSupt. Lyra Valera, tiyak na maraming mahihikayat na mag-apply kung magiging competitive na ang sweldo ng mga miyembro ng pambansang pulisya.
Sa kasalukuyan ay nasa P22- P23 thousand lamang ang kanilang entry salary na sobrang liit kumpara sa mga private lawyer.
Sa kasalukuyan, ayon kay Valera ay nasa 93 lamang ang kanilang abogado sa buong bansa at kulang pa ng mahigit sa 100 upang masigurong matutulungan ang lahat nang pulis na nakakasuhan dahil sa pagtupad sa tungkulin.
Aniya 93 kaso ng Police Commissioned Officer ang hawak nila sang ayon at 114 naman sa mga Police Non- Commissioned Officer.
Kadalasan sa mga kasong kinakaharap ng mga pulis ay ang unlawful arrest, arbitrary detention, harassment, physical injuries, misconduct for neglect of duty at irregularity for the performance of duty.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: dagdag sweldo, Mga pulis, PNP legal service