Pang. Rodrigo Duterte, makikipagpulong sa CBCP- Presidential Spokesperson Roque

by Radyo La Verdad | July 2, 2018 (Monday) | 1702

Kinumpirma ng Malacañang ang nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ang napagkasunduan nang mag-usap sila ng Papal Nuncio noong Biyernes ng gabi.

Una nang inimbitahan ni Roman Catholic Italian Archbishop Gabriele Giordano Caccia si Pangulong Duterte sa isang pagpupulong subalit hindi ito dumalo at sa halip ay ang kinatawan siya ng komiteng binuo niya para makipagdayalogo sa Simbahang Katolika.

Sa isang pahayag, napagkasunduan nina Roque at Papal Nuncio na dapat magkaisa ang estado at ang simbahan sa kapakanan ng taumbayan.

Gayunman, wala pang detalye kung kailan ito maisasagawa.

 

 

Tags: , ,