Pang. Duterte wala pang planong imbitahan sa cabinet meeting si VP Robredo – Sen. Go

by Erika Endraca | November 14, 2019 (Thursday) | 3054

METRO MANILA – Wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na imbitahan si Vice President Leni Robredo sa cabinet meeting ayon kay Senator Bong Go. Tapos na ang cabinet meeting ng Punong Ehekutibo ngayong buwan samantalang sa unang Lunes ng Disyembre isasagawa ang ika-44 na cabinet meeting nito.

Una nang sinabi ng palasyo na maglalabas ng dokumento si Pangulong Duterte upang pormal na italaga ang Bise Presidente bilang cabinet member at personal siyang iimbitahan ng Punong Ehekutibo para sa isang pag-uusap hinggil sa war on drugs at pagkakatalaga dito bilang drug czar ng pamahalaan.

“Sa gabinete naman, wala naman po akong narinig. I repeat, I’m not authorized to speak in behalf of the executive, I now belong to the legislative. Pero sa pagkakaalam ko, parang wala pa pong plano, na ipapatawag at sasama sa gabinete. Maybe kung pag-uusapan na po yung droga, pero if wala naman po sa agenda, nothing to do with drugs, ay hindi po” ani Senator Bong Go.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,