Pang. Duterte, tiniyak na may sapat pondo ang Pilipinas para sa vaccine supply

by Erika Endraca | February 2, 2021 (Tuesday) | 7617

METRO MANILA – May pondo ang Pilipinas pambili ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019.

Ito ang binigyang katiyakan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang weekly public address kagabi (Feb. 1).

Matatandaang binanggit ng Department Of Finance na uutang ang pamahalaan ng P40-B para sa procurement ng Covid-19 vaccines.

“As I have told you before, ganito ‘yan mayroon tayong pangbayad. Ang Asian Development Bank pati ang world bank magpahiram sa atin para ibayad natin sa vaccine na bilhin natin.

Bukod sa loans sa multilateral agencies, may partnership din ang national government sa private sector at Local Government Units para sa vaccine procurement.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Inanunsyo naman ni Vaccine Czar at National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez na sa 7 vaccine manufacturers na kausap ng pamahalaan, 5 term sheets na ang pinirmahan ng gobyerno at nakapag-secure na ng 106 hanggang 108 Million doses ng vaccines.

Target ng pamahalaan ang 146 hanggang 148 Million vaccine doses bukod pa sa 40 Million doses mula sa Covax facility.

Ngayong Pebrero naman, nasa 3M doses ang inaasahang dumating sa bansa.

“Out of seven companies, we have already signed term sheets, five and we have already locked the supply of 106 to 108 doses including po ‘yung sa single dose” ani NTF vs Covid-19 Vaccine Czar & Chief Implementer Sec. Carlito Galvez.

Muli namang umapela si Pangulong Duterte sa publiko na pagkatiwalaan ang pamahalaan sa vaccine procurement nito.

Partikular na si Vaccine Czar Sec. Galvez na itinalaga niyang manguna sa vaccination program ng pamahalaan.

“Just keep faith with us. At the end of the day, you will see that everything has been done in accordance with the rule of law.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,